Pangulong Duterte binisita ang Holocaust memorial
Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Yad Vashem Holocoaust Memorial Center sa Israel.
Ito ay maituturing na makasaysayang okasyon dahil ito ang unang beses na binisita ng pangulo ng Pilipinas ang nasabing memorial site.
Kasama ng pangulo ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte at ilang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Pinuntahan din ng pangulo at ng nakababatang Duterte ang Hall of Names sa loob ng Yad Vashem, kung saan makikita ang lahat ng pangalan ng mga Hudyo na nasawi dahil sa Holocaust.
Sa maikling talumpati ni Pangulong Duterte sa loob ng Hall of Names, sinabi nito na kaisa ang Pilipinas sa mga nangangakong hindi na mauulit pa ang naganap na pagpatay sa mga Hudyo na ipinag-utos ni Adolf Hitler.
Samantala, bukod sa naturang memorial, nakatakda ring bisitahin ng pangulo ang Open Doors monument na umaalala sa humanitarian assistance na ibinigay ng Pilipinas sa mga Jewish refugees na tumakas sa Holocaust noong 1930s.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.