CPP-NPA-NDF nasa likod ng pagpapasabog sa Masbate ayon sa PNP

PCG Photo

Sinabi ng PNP na ang CPP-NPA o mga komunistang mga rebelde ang nasa likod ng ng pagpapasabog sa pantalan ng Masbate.

Ayon kay PNP Spokesperson Benigno Durana, base sa kanilang imbestigasyon ay nakuha ang mga bagay na tulad ng PVC pipes na anila ay ang kadalasang ginagamit ng grupp.

Sa layong 100 metro mula sa istasyon ng Philippine Coast Guard sa Masbate Port bandang 12:30 a.m. dinetonate ang bomba.

Dahil sa pagsabog ay napinsala nito ang isang rescue vessel ng Philippine Army.

Kasama rin sa nadamay sa pagsabog ang dalawa pang aluminum boats na nasa lugar ng pinagsabugan.

Read more...