Metro Manila at mga karatig-lalawigan, nakararanas ng pag-ulan
Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-uulan ang buong Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Sa 3AM rainfall information mula sa PAGASA, nakasaad na asahan na ang light to moderate rains sa Kalakhang Maynila, at mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Quezon, at Laguna sa loob ng dalawang oras.
Nakararanas naman sa ngayon ng kaparehong lagay ng panahon ang mga bayan ng Angat, Bustos, at Plaridel sa Bulacan; San Luis sa Pampanga; Agoncillo, Calatagan, Lemery, Lian, Nasugbu, at Taal sa Batangas.
Maulan rin ang umaga sa Bongabon, Carranglan, Gabaldon, Lupao, Muñoz, Pantabangan, Rizal,at San Jose sa Nueva Ecija; maging sa Ternate, Cavite.
Mananatili ang kaparehong lagay ng panahon sa loob ng isa hanggang dalawang oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.