Mga empleyado ng kamara tatanggap ng P35,000 na grocery allowance

By Erwin Aguilon September 03, 2018 - 12:36 PM

Inanunsyo ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang pagbibigay ng karagdagang yearly grocery allowance sa mga empleyado ng kamara.

Sa flag raising ceremony sinabi ni Speaker GMA na tatanggap na ang mga kawani ng kamara ng P35,000 na grocery allowance mula sa dating P5,000 lamang.

Binigyan na umano niya ng otorisasyon si House Committee on Accounts Chair Yedda Romualdez na maglabas ng nasabing halaga para sa mga empleyado.

Sinabi nito na tuwing mga buwan ng Agosto at Setyembre na tinawag niyang “Taghirap months” ay lumolobo ang bilang ng mga empleyado ng kamara nan ang-aapply para sa loan.

Sinabi ng leader ng kamara na noong nakalipas na buwan ng Agosto nakatanggap ng P5,000 grocery allowance ang mga empleyado mula sa House Committee on Accounts.

TAGS: grocery allowance, House of Representatives, grocery allowance, House of Representatives

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.