LOOK: Mga biyahe ng PAL mula at patungong Japan kanselado dahil sa Typhoon Jebi
Nagkansela ng mga biyahe patungong Japan ang Philippine Airlines (PAL) dahil sa sama ng panahon dulot ng Typhoon Jebi.
Sa abiso ng PAL, ang mga sumusunod na biyahe na dapat ay nakatakda ngayong araw (Sept. 3) ay ire-reschedule bukas, Sept. 4:
• PR 408 Manila – Kansai
Original ETD 1:55PM
Original ETA 6:50PM
• PR 438 Manila-Nagoya
Original ETD 1:55PM
Original ETA 6:55PM
Ang mga apektadong pasahero sa dalawang nabanggit na flight ay ia-accommodate ng PAL sa parehong flight at parehong oras bukas, Sept. 4.
Samantala, para naman bukas, araw ng Martes (Sept. 4) inanunsyo na ng PAL na kanselado ang mga sumusnod na biyahe:
• PR407 Kansai -Manila
Original ETD 9:55AM
Original ETA 12:55PM
• PR437 Nagoya-Manila
Original ETD 9:35AM
Original ETA 12:40PM
Ang mga pasahero naman sa dalawang flights ay ia-accommodate sa parehong flight at oras sa Sept. 5, araw ng Miyerkules.
Samantala, kanselado din ang biyahe ng PAL bukas, Sept 4 sa Taipei patungong Kansai, Japan at pabalik.
Naglaan na ng replacement flights ang PAL para sa mga apektadong pasahero at narito ang bagong schedule:
• PR5896 Taipei-Kansai
Depart Taipei: 9PM Sept4
Arrive Kansai: 12:40AM Sept5
• PR5897 Kansai-Taipei
Depart Kansai: 1:40AM Sept5
Arrive Taipei: 3:35AM Sept5
Nagpatupad din ang PAL ng pagbabago sa oras ng departure at arrival ng iba pa nilang mga biyahe na patungo sa Japan.
Narito ang mga flights na apektado ng pagbabago ng schedule:
• PR410 Cebu-Kansai Sept4
Original ETD 9:15AM
Original ETA 2:35PM
New ETD 1:15PM Sept4
New ETA 6:35PM Sept4
• PR409 Kansai-Cebu Sept 4
Original ETD 3:25PM
Original ETA 6:45PM
New ETD 8:00PM Sept4
New ETA 11:20PM Sept4
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.