Namula ang mga tanggapan ng National food Authority o NFA dahil aabot sa mahigit 4,000 empleyado ng ahensya na dumalo ng flag ceremony ay nagsuot ng pulang damit.
Ayon kay NFA spokesperson Rex Estoperez, hindi muna sila magsusuot ng kanilang nakasanayang uniporme, bagkus pulang mga damit ang kanilang susuutin bilang protesta sa mga nanawagang na buwagin na ang NFA.
Itutuloy umano nila ang pagsusuot ng pulang damit hangga’t hindi naaalis ang banta na buwagin ang NFA na lumalim ang panawagan matapos na tumaas ang presyo ng bigas sa ilang lugar sa bansa.
Tiniyak naman ni NFA Administrator Jason Aquino sa mga empleyado nito na siniguro sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suporta sa NFA.
Nagpasalamat rin si Aquino sa mga empleyado sa patuloy na pagtatrabaho para sa kapakanan ng mamayan.