Sister Patricia Fox nag-apply ng tourist visa sa BI
Naghain ng aplikasyon sa Bureau of Immigration (BI) si Australian nun Sister Patricia Fox para mapagkalooban siya ng tourist visa.
Ito ay upang mapalawig pa ang kaniyang pananatili sa bansa.
Sa September 5 kasi mapapaso na ang missionary visa ni Fox.
Maliban dito, pinagtibay din ng BI ang deportation order laban sa kaniya dahil sa paglabag umano sa mga kondisyon ng pananatili niya sa bansa bilang missionary visa holder.
Dudulog naman ang kampo ni Fox sa Department of Justice (DOJ) para iapela ang pasya ng BI.
Habang hinihintay ang proseso, hiling ng kampo ni Fox na pagkalooban muna ito ng tourist visa para makapanatili pa sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.