Ticketing system at iba pang sinisingil ng mga bus companies ipinasisilip ni Rep. Batocabe
Nais maimbestigahan ni Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe ang ticketing system at iba pang terminal fees na sinisingil sa mga pasahero sa mga bus terminals.
Ayon kay Batocabe, marami siyang natatanggap na reklamo kaugnay sa hindi maayos na polisiya at hindi malinaw na guidelines sa ibang mga bayarin sa mga bus terminals.
Mayroon anyang nga bus terminals na hindi nagbibigay ng ticket reservations dahilan kaya nagiging overcrowded sa mga istasyon ng bus lalo na pag peak season.
Inirereklamo din ang physical condition ng mga bus terminals na kulang sa pasilidad.
May mga reklamo din tungkol sa paniningil ng terminal fees at baggage insurance fees na walang malinaw na guidelines at wala ding otorisasyon mula sa LTFRB.
Iginiit ni Batocabe na ngayong pumasok na ang “BER” months, dapat na ayusin ang anumang problema sa mga bus terminals para sa maayos at komportableng byahe ng publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.