SC spokesperson Theodore Te nagbitiw na sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo September 03, 2018 - 09:28 AM

INQUIRER FILE PHOTO/LYN RILLON

Nagbitiw na sa pwesto si Atty. Theodore Te bilang pinuno ng public information office ng Korte Suprema.

Sa kaniyang liham na may petsang August 29, naghain si Te ng kaniyang irrevocable resignation na tinanggap naman na ni Chief Justice Teresita Leonardo De Castro.

Sa September 7 ang magiging huling araw ni Te bilang SC PIO chief, at si Deputy Information Chief Maria Victoria Gleoresty Guerra ang papalit sa kaniyang bilang acting chief ng PIO.

Si Te ay nanilbihan bilang tagapagsalita ng Korte Suprema mula 2013 nng italaga siya ni dating chief justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kaniyang resignation letter sinabi ni Te na babalik siya sa kaniyang full-time academic life.

Si Te ay co-terminus kay Sereno, pero napalawig ang kaniyang pagiging PIO chief nang i-extend ni Senior Associate Justice Antonio Carpio ang kaniyang termino.

TAGS: resignation, Supreme Court, Theodore Te, resignation, Supreme Court, Theodore Te

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.