Yellow warning nakataas pa rin sa CAMANAVA

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning sa ilang lugar sa Metro Manila base sa 7:00AM rainfall advisory ng PAGASA.

Ayon sa PAGASA, yellow warning level ang umiiral sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Ibig sabihin, malakas at tuluy-tuloy ang nararanasang buhos ng ulan sa nabanggit na mga lugar.

Samantala, mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Zambales, Bulacan, Rizal, Cavite, Pampanga, Bataan, Batangas at sa nalalabi pang bahagi ng Metro Manila.

Makararanas din ng malakas na ulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Quezon at Laguna sa loob ng susunod na dalawang oras.

Read more...