Yellow rainfall warning, nakataas sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Bataan

By Rhommel Balasbas September 03, 2018 - 05:13 AM

Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang bahagi ng Metro Manila at lalawigan ng Bataan dahil sa nararanasang malakas na pag-ulan.

Yellow warning ang nakataas sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA), Quezon City, Maynila, San Juan at Marikina.

Posible ang pagbaha sa mga flood-prone areas ayon sa PAGASA.

Samantala, nakararanas ng mahina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Zambales, Bulacan, Rizal, Cavite at Batangas na posibleng tumagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Sabi ng PAGASA, asahan din ang mahina hanggang sa katamtaman na paminsan-minsan ay malalakas na pag-uulan sa Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Laguna at nalalabing bahagi ng Metro Manila sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management councils na tumutok sa abiso ng PAGASA sa lagay ng panahon na ilalabas alas-7 mamayang umaga.

TAGS: #HeavyRainfallWarning, PAGASA DOST, #HeavyRainfallWarning, PAGASA DOST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.