Asawa ng isang vice mayor sa Bohol, patay sa pamamaril

By Rhommel Balasbas September 03, 2018 - 02:05 AM

Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang asawa ng isang alkalde sa Bohol matapos pagbabarilin sa isang resort Linggo ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Loquias Aparicio, 44 anyos, asawa ng bise alkalde ng Clarin, Bohol.

Ayon sa imbestigador ng Clarin Police Station na si PO2 Genesis Piezas, nasa loob ng 4Js Inland Resort sa Barangay Bacani si Aparicio bandang alas-5 ng Linggo.

Habang kausap ang isang kaibigan, isang hindi nakilalang lalaki na nakasuot ng blue jacket na may hood ang dumating at pinagbabaril ang biktima.

Dinala pa si Aparicio sa Clarin Community Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Isa pang empleyado ng resort na nakilalang si Roel Aparicio, 36 anyos ang nabaril at kasalukuyang nagpapagaling sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang walong pirasong basyo ng kalibre .45 na baril.

Tinitingnang anggulo sa pagpatay ang illegal gambling at pulitika dahil usap-usapang tatakbo si Aparicio sa pagka-alkalde sa May 2019 elections.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.