FEU pasok na sa PVL finals

By Justinne Punsalang September 03, 2018 - 12:40 AM

Nagwagi ang koponan ng Far Eastern University Lady Tamaraws kontra sa University of Santo Tomas Golden Tigresses sa kanilang naging tapatan kagabi para sa semifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference.

Natapos ang laro sa iskor na 19-25, 25-18, 25-22, at 25-17 pabor sa FEU.

Dahil dito ay pasok na sa finals ang Lady Tamaraws at sunod na makakaharap ang University of the Philippines Lady Maroons.

Paglalabanan naman ng Golden Tigresses at Adamson University Lady Falcons ang ikatlong pwesto para sa PVL.

Pinangunahan ni Jerrli Malabanana ang FEU matapos makapagbigay ng 13 puntos. Sinundan naman siya nina Kyle Negrito at Lycha Ebon na kapwa nakapagbigay ng 12 puntos, at Heather Guino-o na may 11 points.

Ayon kay FEU head coach George Pascua, sinabihan niya ang koponan na hindi dapat dumepende ang mga ito sa mga verteran player o sa piling mga manlalaro dahil kailangan aniya nilang magtulungan bilang isang team.

Para naman sa UST, si Eya Laure ang nanguna sa pamamagitan ng kanyang 15 puntos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.