Maximum tolerance ng 2 pulis na tinarayan ng Napolcom official pinuri ng PNP

naplocom1
videograb/facebook

Pinuri ng pamunuan ng Philippine National Police ang naging reaksyon ng dalawang Pulis-Bacoor na hiniya at tinarayan ng isang opisyal ng Napolcom.

Ayon kay PNP Public Infomration Office Director CSupt. Wilben Mayor, ipinakita lang ng dalawang pulis ang pagsunod nila sa doctrine of maximum tolerance sa tuwing nahaharap sa mga komprontasyon.

Sinabi pa ni Mayor na bagamat maaring ireklamo ng dalawang pulis ang opisyal na nakilalang si Ana Maria Paglinawan, hindi niya nakikita na gagawin pa ito ng dalawa nilang tauhan.

Aniya, kumilos naman agad ang Napolcom nang sibakin sa pwesto si Paglinawan na siyang acting Chief ng Administrative Division ng Napolcom-NCR.

Kahapon ay kaagad na ipinag-utos ni Napolcom Executive Director Emmanuel Escueta ang pagsibak sa pwesto dahil sa magaspang na pag-uugaling ipinakita ng nasabing opisyal.

Sinabi ni Escueta na dapat ay maging maayos sa pagtupad sa kanilang tungkulin ang mga opisyal ng gobyerno sa anumang oras.

Read more...