Purchasing power ng minimum wage katumbas na lang ng P200 – Labor group

By Rhommel Balasbas September 03, 2018 - 04:15 AM

Dumausdos sa P200 ang purchasing power ng daily minimum wage ayon sa Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP).

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo.

Ayon sa ALU-TUCP, mula sa P208.8 noong Hunyo ay P200 na lang ang halaga ng national minimum wage na P335.

Ang datos na ito ng labor group ay base sa kanilang monitoring sa epekto ng inflation sa sahod ng mga manggagawa.

Ayon kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay ang patuloy na pagbaba ng purchasing power ng sahod ay may negatibong epekto sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya.

Ani Tanjusay wala nang mabibili ang mga manggagawa para sa kanilang mga sarili at pamilya sa P200 kada araw.

Dahil dito ay posible anya na makaapekto ito sa kasiyahan at productivity ng mga manggagawa sa mga susunod na linggo.

Matatandaang pumalo sa 5.7 percent ang inflation rate noong Hulyo na pinakamataas sa loob ng limang taon habang inaasahang papalo sa 5.9 percent ang inflation para sa buwan ng Agosto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.