Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Maymay ayon sa PAGASA.
Sa abiso ng weather bureau hatinggabi ng Lunes, alas-11:00 ng gabi nang makalabas ang bagyo.
Sa ngayon ay taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 190 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbusong aabot sa 235 kilometro kada oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometro kada oras sa direksyong Hilaga-Hilagang Kanluran.
Wala itong direktang epekto sa bansa ngayon.
MOST READ
LATEST STORIES