Consumers binalaan ng DTI laban sa mataas na presyo ng baboy at manok

Binalaan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumer laban sa mga mapagsamantalang retailers o mga nagbebenta ng baboy at manok na labis na nagtataas ng presyo ng mga karne.

Muling ipinaalala ni DTI Undersecretary Ruth Castelo sa mga mamimili na ang farm-gate price ng manok ay nasa P85 kada kilo at ang marked-up prices ng mga dressers, traders, at retailers ay P50 lamang kayat dapat nasa P135 per kilo lamang ang manok.

Aniya, kung tumaas man dapat ay P140 kada kilo lamang ang maximum na presyo ng manok.

Kapag umabot na aniya sa P150 – 160 ang presyo nito ay dapat na isumbong na ito sa DTI.

Samantala, ang farm-gate price naman ng baboy ay P130 kada kilo at ang pinaka-rasonableng presyo nito o patong ng mga negosyante ay P70 kada kilo.

Kaya naman sinabi ni Castelo na ang P240 – P250 per kilo ng karne ng baboy ay sobrang mahal na.

Maaring tumawag ang consumers sa DTI hotline at 1384 para sa anumang consumer-related complaints.

Read more...