Inilunsad ng Kapuso star na si Heart Evangelista ang kanyang bagong website na tinawag niyang “love letter” sa kanyang hilig sa art, fashion, beauty, at travel.
Sabi ng aktres, mas gumaganda daw ang “passions” kapag ibinibahagi sa iba.
Unang bumungad sa website ni Heart ang mga katagang “Hello and welcome to my world!”
Inanunsiyo ng aktres ang paglulunsad ng kanyang bagong website sa kanyang Instagram noong Sabado ng gabi.
Ayon kay Heart, inabot ng ilang buwan bago niya maisapinal ang paglulunsad ng website.
Tampok sa website ng aktres ang kanyang walk-in closet, beauty corner, at kanyang huling biyahe sa Italy.
Sa nauna nitong posts ay ibinahagi niya ang kanyang 24-hour na mga ginawa sa Paris at ang kanyang Harper Bazaar experience.
Mayroon ding page si Heart para sa kanyang art collection na kanyang pinagkakaabalan nitong mga nagdaang taon.
Maa-access ang website ng aktres sa www.lovemarieescudero.com