Holocaust memorial sa Israel bibisitahin ni Pangulong Duterte
Nakatakdang puntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang delegasyon ang Yad Vashem Holocaust Memorial Center sa kanyang ikalawang araw sa Israel.
Bukod dito ay bibisitahin din ng pangulo ang Oepn Doors monument na sumisimbolo sa humanitarian assistance na ibinigay ng Pilipinas sa mga Jewish refugees na tumakas sa Holocaust noong 1930s.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng pagpunta doon ng pangulo ay maipapakita nito ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Israel.
Aniya, makikita sa naturang monument na mayroong shared history ang dalawang bansa na dapat ay patuloy na pagyamanin.
Matatandaang unang nakatanggap ng mga kritisismo si Pangulong Duterte noong 2016 matapos nitong ikumpara ang kanyang madugong kampanya kontra sa iligal na droga sa pagpaslang ni Adolf Hitler sa mga Hudyo sa pamamagitan ng Holocaust. Sinabi pa noon ng pangulo na handa siyang patayin ang nasa tatlong milyong mga drug dependent sa bansa.
Ngunit humingi na ng tawad sa mga Hudyo ang punong ehekutibo sa kanyang pagbisita sa isang synagogue sa Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.