Kasunduan sa science and technology kabilang sa mga lalagdaan sa pagbisita ng pangulo sa Israel

By Justinne Punsalang September 02, 2018 - 03:16 PM

Bukod sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Israel ay magkakaroon din ng paglagda sa iba’t ibang mga kasunduan sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Holy Land.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ng pangulo sa kanyang delegasyon, lalagdaan ng Pilipinas at Israel ang bilateral labor agreement para sa mga caregiver.

Layunin aniya nito na mabawasan o tuluyan nang matanggal ang napakamahal na placement fees na binabayaran ng mga Pinoy na gustong magtrabaho sa Israel.

Magkakaroon din ng kasunduan ang dalawang bansa tungkol sa science and technology at defense.

Ayon kay Roque, ito ay dahil sa ginagawang innovations sa software and technology ng Israel.

Dagdag pa nito, malaking tulong para sa Pilipinas ang advanced technology ng Israel na pwedeng maging batayan ng bansa sa ating sariling teknolohiya.

Inaasahan ring makatutulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagpunta doon ng delegasyon ni Pangulong Duterte, partikular sa larangan ng trade and investment.

Nasa 13 hanggang 15 bilateral private sector agreements umano ang lalagdaan sa pagbisita doon ng pangulo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.