“Happy packs” ipinagkaloob ng NutriAsia at PRC sa mga nabiktima ng kalamidad sa Marikina City

By Ricky Brozas September 02, 2018 - 05:37 PM

Namahagi ng ayuda ang NutriAsia katuwang ang Philippine Red Cross(PRC) sa mga biktima nang pananalasa ng bagyong karding sa Marikina City.

Ang lungsod kasi ng Marikina ang pinakamatinding napinsala sa pananalasa ng nagdaang kalamidad.

Aabot sa 600 mga pamilya ang nabiyayaan ng “happy packs” na ipinamahagi ng mga manggagawa ng NutriAsia.

Naging katuwang din nila ang mga volunteer ng PRC Marikina Chapter sa pamudmod ng mga “happy packs” bilang dagdag ayuda sa mga sinalanta ng bagyong Karding.

Laman ng mga “happy packs” ang bottled water, crackers, kape, sardinas, noodles, soy sauce, satsup at iba pang pampalasa.

Ang mga naturang food packs ay ibinigay sa 219 na pamilya sa Central Integrated School sa Barangay Concepcion Uno, 135 na pamilya naman sa Pilipinas Gym sa Brgy. Malanday at 248 na pamilya sa Nangka Elementary School sa Barangay Nangka.

Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, labis niyang ikinatuwa ang tulong ng NutriAsia sa mga kababayan nating nalugmok sa kalamidad.

Dahil aniya sa naturang ayuda ay hindi imposible ang muling pagbangon ng mga tinamaan ng delubyo at paraan ito para sa sama-samang pagbangon ng mga biktima ng malawakang pagbaha.

Ang NutriAsia ay isa sa mga sponsors ng PRC para sa “happy packs” sa ilalim ng Masarap at Masaya na pilosopiya nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.