Pananaksak sa Netherlands sinasabing isang terrorist attack

By Justinne Punsalang September 02, 2018 - 05:33 PM

AFP

Terrorist attack ang turing ng mga otoridad sa naganap na pananaksak sa Amsterdam Central Station kung saan dalawang Amerikano ang nasugatan.

Nakilala lamang ang suspek sa insidente na si Jawed S., 19 na taong gulang at isang Afghan national ngunit mayroong hawak na German residency permit.

Inanunsyo ng Amsterdam City Hall na sa interogasyon ng pulisya ay inamin mismo ng suspek ang kanyang motibo.

Sa ngayon ay nasa ospital si Jawed S. dahil sa natamong sugat sa katawan matapos barilin ng mga otoridad dahil sa kanyang pag-atake.

Maayos na rin ang kundisyon ng dalawang US citizens na nasugatan dahil sa pananaksak ng suspek.

Matapos ang naturang insidente ay nagkaroon ng mass panic sa Amsterdam Central Station kung saan agad na inilikas ang mga mananakay at turista.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa pangyayari. Partikular na sinisiyasat ng pulisya ang mga gamit ng suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.