Standhardinger pinangunahan ang Beermen sa Governor’s Cup kahit galing sa flight

By Justinne Punsalang September 02, 2018 - 05:32 PM

Hindi inalintana ni Christian Standhardinger ang pagod at jetlag mula sa kanyang biyahe galing Indonesia para sa Asian Games.

Dumeretso kasi si Standhardinger mula sa kanyang flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungo sa Game 1 ng San Miguel Beermen para sa 2018 PBA Governor’s Cup kagabi.

Bagaman bahagyang na-late ang rookie playern ng Beermen at dumating sa kalagitnaan ng first quarter ay agad itong isinabak sa laro kontra NLEX Road Warriors.

Kwento ni Standhardinger, pangunahing naging dahilan ng kanyang late arrival sa laro ay ang matinding traffic.

Ngunit hindi naman ito dahilan upang hindi maging maganda ang kanyang performance sa laro.

Katunayan ay naitala pa ni Standhardinger ang kanyang career-high na 36 points at 11 rebounds sa laban kagabi.

Natapos ang laro sa iskor na 125-112, pabor sa San Miguel.

Nagpasalamat naman ang basketbolista sa kanyang mga teammates. Aniya, sila ang naging susi upang makapagpasok siya ng mga points.

Samantala, inamin din ni Standhardinger na sinabihan siya ni Coach Leo Austria na huwag na munang maglaro dahil kagagaling lamang nito sa biyahe.

Ngunit sinabi nito na gusto niyang ipakita ang kanyang commitment sa koponan na siyang nagbigay sa kanya ng oportunidad upang makapaglaro sa PBA.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.