Mga pulis, sundalo at bumbero sanib-puwersa para sa Undas
Halos apatnapung libong mga pulis sa buong bansa ang direktang magpapatupad ng Oplan Kaluluwa 2015 ngayon panahon ng undas.
Ito ang sinabi ni Police SSupt. Adel Castillo, ang kinatawan ng PNP sa isinagawang pulong ng Technical Working Group ng National Disaster Risk Reduction and Management Council para sa preparasyon sa araw ng mga patay.
Aniya kung isasasama pa ang force multipliers, partikular na ang mga Barangay Tanod, aabot sa humigit kumulang animnapung libo katao ang magbabantay sa paligid at loob ng mga libingan.
Samantala, sinabi naman ni Fire SSupt. Isidro Cortez sa bahagi ng Bureau of Fire Protection ay magsasagawa sila ng safety inspections at magtatalaga din sila ng kanilang mga tauhan para umalalay sa mga lansangan gayundin ang kanilang medical teams.
Sa panig naman ng AFP, magtatalaga din sila ng stand-by force na agad aalalay sa PNP sakaling kailanganin ang dagdag puwersa at tututok din sila sa seguridad ng dalawang libingan dito sa Metro Manila ito ay ang Manila North Cemetery at Libingan ng mga Bayani.
Samantala, sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma na kaligtasan ng kanyang mga boss o ng sambayanan sa panahon ng Undas ang nais tiyakin ng pangulo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.