Pumasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Maymay na mayroong international name na ‘Jebi.’
Sa 4PM weather advisory ng PAGASA, nakasaad na huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 1,375km silangan-hilagang silangan ng Basco, Batanes.
May dala itong hangin na 195km bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 235km bawat oras.
Patuloy itong gumagalaw sa direksyong hilaga-hilagang kanluran sa bilis sa 25km bawat oras.
Ayon sa PAGASA, hindi inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang bagyong Maymay at inaasahang lalabas ng PAR bukas ng umaga at tutungo sa direksyon ng bansang Japan.
Walang direktang epekto ang bagyo sa Pilipinas at hindi rin makaaapekto sa southwest monsoon o hanging habagat.
Samatala, makararanas naman ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa mga localized thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.