LOOK: Mga maghahain ng impeachment laban sa ilang opisyal ng gobyerno, pinaghihinya-hinay
Pinaghihinay-hinay ng House committee on Justice ang lahat ng mga Filipino sa paghahain ng impeachment complaint laban sa mga impeachable officials sa bansa.
Pahayag ito ng komite sa gitna ng nakabinbing na impeachment complaint laban kay Chief Justice Teresita de Castro at anim pang mahistrado ng Korte Suprema.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Oriental Mindoro Representative Salvador “Doy” Leachon, chairman ng komite, na bagama’t legal at pinakamabisang remedyo ang impeachment complaint, kinakailangan din na timbangin ang magiging epekto o idudulot hindi lamang sa sangay ng hudikatura kundi sa kabuuan ng gobyerno.
Sinabi pa ni Leachon, hindi dapat na ituring na normal o ordinaryo ang extraordinary na impeachment proceedings.
Tiniyak naman ni Leachon na magiging patas at impartial ang gagawing pagdinig sa reklamo laban sa pitong mahistrado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.