Legalidad ng impeachment case vs 7 SC justices, hindi makokompromiso – Leachon

By Chona Yu September 02, 2018 - 02:47 PM

Tiniyak ng House committee on Justice na hindi makokompromiso ang legalidad ng impeachment complaint na inihain laban kay Chief Justice Teresita de Castro at anim pang mahistrado ng Korte Suprema.

Ito ay kahit na aarangkada na sa September 4 at aaraw-arawin na ang pagdinig sa impeachment complaint.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Oriental Mindoro Representative Salvador “Doy” Leachon, chairman ng komite, nakatakdang busisiin sa Martes kung mayroong sufficient in form o pag-iisahin na lamang ang pitong reklamo laban sa pitong mahistrado.

Bukod kay de Castro, nahaharap din sa impeachment complaint ang anim na iba na sina Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo. Ang pitong nabanggit na opisyal ang bumoto noon sa impeachment complaint laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Leachon, bagama’t papaspasan ng kanilang hanay ang impeachment proceedings, tinitiyak nito na hindi naman malalagay sa alanganin ang reklamo lalo na sa legalidad na aspeto.

TAGS: CJ Teresita De Castro, Impeachment complaint, Supreme Court, CJ Teresita De Castro, Impeachment complaint, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.