PDEA, magkakasa ng follow-up ops ukol sa mga nakuhang magnetic lifters sa Cavite

Inquirer file photo

May ikinakasang follow up operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na maaring magturo sa mga taong nasa likod ng smuggling ng dalawang metallic lifters na may lamang shabu na P2.4 bilyon sa Manila International Container Port (MICT) at apat na magnetic lifters sa General Mariano Alvarez, Cavite na naglalaman naman ng P6.4 bilyong halaga ng shabu.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Surigao Congressman Robert “Ace” Barbers, chairman ng House committee on Dangerous Drugs na mayroong lead ang PDEA na maaring magturo kung nasaan ang nawawalang shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon sa Cavite.

Sa ngayon, sinabi ni Barbers na ang international Chinese drug syndicate na Golden Triangle ang suspek sa smuggling ng mga shabu.

Sinabi pa ni Barbers na base sa ginawang pagdinig ng komite, wala namang pulitiko o kilalang personaldiad ang nasangkot sa smuggling ng shabu.

Isang appraiser o examiner aniya sa Bureau of Customs (BOC) ang maaring nagpapalusot ng kontrabando.

Base kasi aniya sa pagdinig ng komite, may suki ang isang consignee na appraiser o examiner sa BOC.

Ipatatawag aniya ito ng komite sa susunod na pagdinig.

Sa ngayon, sinabi ni Barbers na nagpasya na si Customs commissioner Isidro Lapeña na i-hold ang appraiser o examiner para maimbestigahan.

Read more...