Isang ferry, nasunog sa Cebu

By Isa Avendaño-Umali September 02, 2018 - 01:28 PM

(Updated) Nasusunog ang passenger-cargo vessel na M/V Lite Ferry 28 200 hanggang 300 metro ang layo bago ito makarating sa Port of Taloot, Argao sa Cebu, Linggo ng umaga (September 2).

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesman Capt. Arman Balilo, ang naturang sasakyang-pandagat ay mula saTagbilaran, Bohol patungong Cebu.

Sa mga litrato ng Cebu Port Authority, makikita na nabalot ng makapal na usok ang ferry.

Photo by: Cebu Port Authority

As of 1:30 ng hapon, patuloy ang pag-apula sa apoy ayon kay Balilo.

Pero nasagip na ang lahat ng 97 pasahero at 27 crew ng ferry matapos ang isinagawang rescue operations.

Sa port advisory, wala muna biyahe para sa Tagbilaran mula sa Port of Taloot, Arago dahil sa pagkasunog ng M/V Lite Ferry 28.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na detalye kung ano ang sanhi ng sunog subalit tiniyak ng mga otoridad na iimbestigahan ito.

TAGS: M/V Lite Ferry 28, Port of Taloot, sunog, M/V Lite Ferry 28, Port of Taloot, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.