LOOK: Mga siklista at environmentalist, nagprotesta vs pagkatay sa mga dolphin sa Japan

By Isa Avendaño-Umali September 02, 2018 - 10:23 AM

Kuha ni Isa Avendañ-Umali

Nagtipun-tipon ang mga siklista at iba pang grupo ng environmentalists sa Japanese embassy ngayong araw ng Linggo, para makilahok sa protesta bilang pagkondena sa taunang paghuli at pagkatay ng dolphins sa Taiji, Japan.

Bitbit ang iba’t ibang banners, ang iba may suot pang mala-dolphin, iginiit ng mga ito na itigil ang paghuli at pagkatay sa mga dolphin na siyang magsisimula ngayong Setyembre.

Sigaw nila, “stop the hunt, stop the kill, save the dolphins!”

Ayon kay Trixie Gonzales, Regional Director ng Earth Island Institute Philippines, hindi makatarungan ang pagmasaker sa mga lumba-lumba maging sa balyena.

Hindi rin aniya tama na gamitin ang mga ito “for entertainment” dahil mapanganib ito sa buhay ng mga lumba-lumba at humahaba na rin ang marine mammal deaths.

Sa mga nakalipas na taon, patuloy ang dolphin hunting sa Japan. At sa katunayan, noong 2016 hanggang 2017 ay aabot sa 610 ang napatay.

Pero malayo aniya ito sa mahigit na dalawang libong quota, na patunay na epektibo ang kampanya laban sa dolphin hunt and captivity.

Sa panig naman ng mga Pilipino, sinabi ni Concepcion na may responsibilidad ang mga tao na protektahan ang bansa, bilang sentro ng biodiversity ng mundo.

TAGS: dolphin killings, Earth Island Institute Philippines, dolphin killings, Earth Island Institute Philippines

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.