1 drug pusher, 6 marijuana users timbog sa Quezon

By Angellic Jordan September 02, 2018 - 10:09 AM

Timbog ang isang tulak ng droga at anim na gumagamit ng marijuana sa ikinasang buy bust operation sa Lucena, Quezon Linggo ng umaga.

Ayon sa pulisya, natunton ang suspek na si Edmund Vega matapos bumili ng shabu ang isang pulis na nagsilbing poseur-buyer sa operasyon sa Barangay Dalahican sa Sariaya bandang 3:30 ng madaling-araw.

Nakuha sa suspek ang 13 pakete ng shabu na may street value na P1,739.

Nakilala ang suspek na bagong taga-suplay ng droga sa mga trabahador, mangignisda at tricycle drivers sa nasabing barangay.

Samantala, nahuli rin ang anim na gumagamit ng marijuana na sina Arvin Tristan Celedenia, Nickkial Christian Lumibao, Ronald Emmanuel Ramos, Hans Balfael, John Eric Guinto at Sandy Barcelona sa Barangay Bignay 1.

Nahuli sa akto ang mga suspek na nag-popot session sa Villa Del Prado beach resort bandang 4:00 ng madaming-araw.

Narekober sa mga suspek ang tatlong pakete ng marijuana na may bigat na 7.32 na gramo at ilang drug paraphernalia.

TAGS: buy bust operation, Marijuana, shabu, buy bust operation, Marijuana, shabu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.