Magarang sasakyan, wasak nang mag-beating the red light sa Makati

By Isa Avendaño-Umali September 02, 2018 - 09:23 AM

Kuha ni Isa Avendaño-Umali

(UPDATED AS OF 4:21PM) Isang itim na Audi A7 ang wasak na wasak makaraang maaksidente sa Makati City madaling araw ng Linggo.

Batay kay Robert Bitonga, gwardiya ng Makati Commercial Estate Association, Inc., naganap ang aksidente sa V.A. Rufino, Ayala Avenue sa lungsod, 3:50 ng madaling araw.

Nagbeating na red light umano ang kotse.

Sumalpok ang sasakyan, kaya naman yuping-yupi ng harapang bahagi nito.

May isa pang sasakyan na sumampa naman sa bakod at poste ng ilaw kaya nabuwal din dahil sa lakas ng impact.

Sugatan ang driver at pasahero ng sasakyan, na agad dinala sa Makati Medical Center.

Bago mag-9AM ay naiaalis ang isa sa dalawang sasakyan sa lugar ng aksidente, o partikular sa harapan ng SSS Makati branch.

Isang itim na Audi, wasak. Mga sakay, dinala sa Makati Med matapos masugatan sa aksidente. @dzIQ990 pic.twitter.com/K7kqLvBv4V

TAGS: Audi A7, beating the red light, INC, Makati Commercial Estate Association, Audi A7, beating the red light, INC, Makati Commercial Estate Association

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.