Ikalawang anibersaryo ng Davao night market blast ginunita

By Rhommel Balasbas September 02, 2018 - 05:39 AM

‘Don’t be complacent.’

Ito ang mensahe ni Davao City Mayor Sara Duterte sa security forces sa paggunita ng lungsod sa naganap na pambobomba sa Roxas night market noong September 2, 2016.

Matatandaang 15 katao ang nasawi habang 69 ang nasaktan sa insidente.

Sa ginawang pag-alala, hinimok ni Mayor Duterte ang publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad.

Ipinanawagan ng alklade sa kanyang mga mamamayan na ipagbigay-alam ang mga kahina-hinalang aktibidad na masasaksihan.

Isang misa sa Tree of Life memorial marker ang ginanap sa pangunguna ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President at Davao Archbishop Most Rev. Romullo Valles D.D.

Sa kanyang homily ay binigyang pugay ng arsobispo ang mga pamilya ng mga biktima sa naging pagbangon ng mga ito sa trahedya.

Isang candlelight at flower offering ang ginanap sa marker matapos ang misa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.