Pangulong Duterte, bumisita sa warships ng Japan sa Subic Bay

By Rhommel Balasbas September 02, 2018 - 05:19 AM

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Japanese warships na kasalukuyang nakadaong ngayon sa Subic Bay freeport zone.

Dala ng Japan Maritime Self-Defense Force Escort Flotilla Four ang pinakamalaking warship ng Japan na JS Kaga (DDH) 184.

Binigyan ng foyer honors si Duterte makaraang dumating sa JS Kaga.

Nakapulong ng pangulo ang Japanese defense officials at sinamahan siyang mag-ikot sa barko.

Kasama ng pangulo sa ship visit si Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ayon sa Malacañang, ang pagbisita ni Duterte ay nagpapakita lamang ng malalim na ugnayan ng kasalukuyang administrasyon sa Japan.

Nasa bansa ang fleet ng Japan Maritime Self-Defense Force Escort Flotilla hanggang Miyerkules, September 5.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.