Isang araw bago matapos ang Asian Games, surpresang inanunsyo ng Indonesia ang planong pag-bid para sa 2032 Olympics.
Ito ay matapos ang matagumpay na hosting ng bansa sa Asian Games na nakatakdang matapos ngayong araw ng Linggo.
Ayon kay Indonesian President Joko Widodo, nagkaroon na sila ng pag-uusap nina Olympics chief Thomas Bach at Olympic Council of Sia head Sheikh Ahmad Al-Fahad Al-Sabah.
Sinabi ni Widodo na dahil sa naging karanasan sa 2018 Asian Games ay naniniwala siya na kaya pa ng bansa na maghost sa mas malaking events.
Welcome naman para kay Bach ang naging anunsyo ni Widodo at ipinarating pa ang pagbati sa presidente para sa tagumpay ng Asian Games.
Giit pa ni Bach, pinahahalagahan nila ang pagkandidato ng Indonesia para sa 2032 Olympics.
Ang Tokyo ang host ng 2020 Olympics na susundan ng Paris sa 2024 at Los Angeles sa 2028.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.