Bodyguards at mga baril ng mga pulitiko lilimitahan sa eleksyon
Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalagay ng limit sa bodyguards at mga baril ng mga kandidato para sa 2019 elections.
Ipinaliwanag ng pangulo na gusto niyang tiyakin ang maayos at payapang halalan kaya gusto niyang maging limitado sa dalawang bodyguards at dalawang baril lamang sa bawat kandidato.
Dapat rin umanong unipormado ang mga bodyguards ng mga pulitiko at ipag-uutos niya na pansamantala munang isuko sa Philippine National Police ang higit sa dalawang armas ng mga pulitiko.
Sa pamamagitan ng paglilimita sa mga baril ay maiiwasan ang intimidation at pananakot sa mga botante ng ilang mga pulitiko na may private army.
Kanya ring inutusan ang kanyang mga kaalyadong pulitiko sa PDP-Laban na sumunod sa nasabing kautusan kung ito man ay maipapatupad na panahon ng halalan.
Para sa kaligtasan ng mga kandidato, sinabi ng pangulo na maglalagay ang militar at PNP ng dagdag na mga checkpoints kung saan ginaganap ang isang political rally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.