Cafgu member patay sa bakbakan sa Zamboanga Del Sur

By Angellic Jordan September 01, 2018 - 01:26 PM

Patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) at apat na sibilyan makaraang atakihin ng isang armadong grupo ang isang barangay sa Zamboanga del Norte, Biyernes ng gabi.

Sa isang panayam, sinabi ni Zamboanga del Norte Provincial Police Director Sr. Supt. Michael Macapagal na naganap ang engkwentro sa bahagi ng Barangay Piacan sa bayan ng Sirawai bandang 6:00 ng gabi.

Na-monitor aniya ng tropa ng pamahalaan ang pagdating ng isang double engine pumpboat sakay ang limang armadong lalaki na nakasuot ng camouflage uniform.

Dito na nagsimula ang engkwentro sa pagitan ng armadong grupo at pwersa ng gobyerno.

Maliban sa mga nasawi, dalawa pa aniyang sibilyan ang sugatan sa engkwentro.

Sa ngayon, hindi pa alam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng grupo.

Patuloy din aniya ang hot pursuit operation at imbestigasyon kaugnay sa insidente.

TAGS: AFP, cafgu, encounter, Zamboanga del Norte., AFP, cafgu, encounter, Zamboanga del Norte.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.