Singer-composer na si T-Pain inaresto sa pagdadala ng baril sa airport

By Angellic Jordan September 01, 2018 - 01:23 PM

AP

Pinigil ng Atlanta Police Department ang Grammy Award-winning rapper na si T-Pain matapos mahulihan ng baril sa isang security checkpoint sa Hartsfield-Jackson International Airport.

Batay sa ulat, nakita ang baril sa isang backpack na pagmamay-ari ni T-Pain.

Ayon sa mga imbestigador, dala ang backpack ng kaniyang bodyguard na si Carlos Aleili Flores.

Dahil dito, dinala ang dalawa sa presinto para magsagawa ng imbestigasyon.

Ayon sa pulisya, inamin naman ng rapper na siya ang may-ari ng baril kasabay ng pagpapakita ng valid license at permit to carry nito.

Kalaunan ay binalik din ang baril at walang isinampang kaso laban kay T-Pain.

Gayunman, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya kung mahaharap sa kasong possession of a weapon si Flores dahil ipinagbabawal ang baril sa mga paliparan.

TAGS: Airport, atlanta, gun, T-Pain, Airport, atlanta, gun, T-Pain

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.