30 granada nahukay sa dalampasigan ng Davao City

By Den Macaranas September 01, 2018 - 09:35 AM

Inquirer file photo

Nakahukay ng 30 granada ang mga tauhan ng Task Force Davao sa gilid ng dagat sa Barangay Sirawan Toril sa Davao City.

Una nang tumawag sa mga barangay officials ang ilang mga mangingisda dahil may nakita silang mga granada sa lugar.

Mabilis na rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng TF Davao kasama ang ilang operatiba ng bomb squad ng Philippine National Police.

Sa pamamagitan ng kanilang detector ay nadiskubre ang mga nakabaon na granada na pawang mga M2 fragmentation grenade.

Inaalam na ng mga otoridad kung anong grupo ang nasa likod ng pagtatanim ng mga pampapasabog.

Posible umanong gamitin ang mga nahukay na granada sa paghahasik ng terorismo sa Davao City.

TAGS: Davao City, M2 grenade, PNP, task force davao, Davao City, M2 grenade, PNP, task force davao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.