Isang leadership assembly ang naganap kagabi sa Pasay City sa pangunguna ng chairman ng PDP-Laban na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte.
Kabilang sa initial list sina:
Sen. Koko Pimentel
Presidential Spokesperson Harry Roque
Special Assistant to the President Bong Go
Sec. Francis Tolentino
Cong. Monsour del Rosario
Cong. Dakila Chua
Cong. Carlo Nograles
Cong. Dong Mangudadatu
Ayon kay PDP-Laban Public Information Officer Ron Munsayac, malaki ang posibilidad na ang walong ito ay masasama sa pinal na listahan ng isasabak ng partido sa eleksyon.
Isang survey form na parang balota ang ipinamahagi sa mga miyembro ng PDP-Laban para pagbotohan ang senatorial slate.
Ayon kay Munsayac, ito ay upang patunayang mayroong demokrasya sa partido.