CBCP, nahihiya at nasasaktan sa sex abuse scandal ng kaparian

By Rhommel Balasbas September 01, 2018 - 05:40 AM

Nagpahayag ng kalungkutan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa umuugong na isyu ng pang-aabuso ng kaparian lalo na sa Estados Unidos.

Sa isang pastoral statement, sinabi ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles na lalong lumalala ang nararamdamang sakit at pagkahiya ng mga lider ng Simbahan dahil sa rebelasyon ng mga pang-aabuso lalo na sa mga kabataan.

Ang ibinunyag anya ng isang dating Apostolic Nuncio tungkol sa sexual misconduct at kung paano ito tinutugunan ng kasalukuyang liderato ng Simbahan ay nagbunga ng mas maraming tanong na kailangang sagutin upang maihayag ang katotohanan.

Binalikan din ng CBCP ang July 2018 Statement kung saan iginiit na ang Simbahang Katolika ay simbahan ng mga makasalanang tinawag upang magbago at mamuhay sa kabanalan.

Dahil sa krisis na kinahaharap ng Simbahan, hinikayat ng CBCP ang mga Diyosesis, Parokya at religious communities na manalangin at mag-ayuno bilang tugon na rin sa panawagan ni Pope Francis.

Sa pamamagitan anya ng panalangin ay makabubuo ng mga aksyon na naaayon sa sinasabi ng Mabuting Balita.

TAGS: CBCP, Clergy abuse, Pastoral Statement, CBCP, Clergy abuse, Pastoral Statement

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.