SoKor President Moon magpapadala ng special envoy sa North Korea

By Rhommel Balasbas September 01, 2018 - 02:37 AM

Magpapadala ng special envoy sa North Korea si South Korean President Moon Jae-in sa Miyerkules, September 5.

Ito ay upang pag-usapan ang planong summit kasama si North Korean leader Kim Jong Un, pagpapaunlad sa bilateral relations ng dalawang bansa at ang negosasyon sa nuclear weapons ng NoKor.

Ayon kay Presidential Spokesman Kim Eui-kyeom, tinanggap na ng Pyongyang ang mungkahing pagpapadala ng envoy.

Hindi pa naman pinapangalanan kung sino ang ipapadalang kinatawan sa North Korea.

Dalawang beses nang nagpupulong sina Moon at Kim matapos ang makasaysayang summit sa truce village sa Panmunjom noong Abril.

Nagkasundo ang dalawa na masusundan ang kanilang pagkikita sa Pyongyang sa hindi pa inaanunsyong eksaktong petsa ngayong Setyembre.

TAGS: denuclearization, Kim Jong un, korean peninsula, Korean Summit, Moon Jae In, north korea, south korea, denuclearization, Kim Jong un, korean peninsula, Korean Summit, Moon Jae In, north korea, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.