Miss Granny ni Sarah G., kumita na ng P100M sa box office

By Rhommel Balasbas September 01, 2018 - 01:25 AM

Tumabo na sa P100 milyon ang kinita ng pelikulang Miss Granny ni Sarah Geronimo.

Ito ay inanunsyo mismo ng Viva Films sa kanilang social media accounts nitong Biyernes.

Ang naturang pelikula ay Pinoy adaptation ng pelikulang may kaparehong pamagat sa South Korea at ginawan na rin ng iba’t ibang bersyon ng mga bansa tulad ng China at Indonesia.

Sa isang tweet, nagpasalamat si Sarah Geronimo sa lahat ng tumangkilik sa kanyang pelikula.

Nagreply sa naturang tweet ang big boss ng Viva Entertainment Inc. na si Vic Del Rosario at nagpahiwatig sa isang bagong pelikula ng popstar royalty kasama sina Vic Sotto, Maine Mendoza at Vice Ganda.

Ayon sa Viva Films, showing pa rin ang pelikula sa 160 sinehan sa buong bansa.

TAGS: Box Office Hit, Miss Granny, Popstar Royalty, Sarah Geronimo, Viva Films, Box Office Hit, Miss Granny, Popstar Royalty, Sarah Geronimo, Viva Films

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.