Paglilitis sa 3 pulis na sinasabing pumatay kay Kian delos Santos tinapos na
Tinapos na ng korte sa Caloocan City ang paglilitis sa 3 pulis na inakusahang pumatay kay Kian delos Santos noong 2017.
Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakatakda na ang promulgation o paghahatol sa November 29. Ito ay 1 araw matapos ang huling hearing ng murder case sa Caloocan City Regional Trial Court Branch 125.
Ayon kay Guevarra, walang iprinisintang mga testigo ang 3 pulis na akusado bukod sa kanilang sarili, dahilan kaya wala ng nakitang dahilan ang prosekusyon para magkaroon ng rebuttal.
Dagdag ng Kalihim, ang gobyerno at mga abogado ng mga pulis ay inobliga ng korte na magsumite ng kanilang memorandum o summation of arguments and evidence sa loob ng 15 araw.
Nahaharap sa kasong murder at planting of evidence or firearms sina PO3 Arnel Oares at Police Officers 1 Jemerias Pereda at Jerwin Cruz.
Iginiit ng 3 pulis na self-defense ang nangyari matapos umanong manlaban si Delos Santos sa gitna ng anti-drug operation, bagay na taliwas sa CCTV camera footage ng barangay at pahayag ng mga saksi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.