TINGNAN: Listahan ng resorts na pinayagang magbukas sa Boracay reopening sa Oktubre

Inilabas na ng Department of Tourism o DOT ang listahan ng accommodation establishments sa Boracay na nakasunod sa permit’s and clearances na itinakda ng gobyerno, partikular ng Department of Environment and Natural Resources o DENR at Deparment of Interior and Local Government o DILG.

Ito ay kaugnay sa inaasahang reopening o muling pagbubukas sa publiko ng isla ng Boracay.

Sa listahan na isinapubliko ni DOT Sec. Bernadette Romulo-Puyat, as of August 31, 2013 ay kabuuang 2,063 rooms mula sa dalawampu’t limang establisimyento ang na-clear na ng Boracay Inter-Agency Task Force.

Ibig sabihin, maaaring magbook ang mga turista sa resorts na nasa listahan, sa oras na muling magbukas ang Boracay sa October 26, 2018.

Nauna nang kinumpirma ng DENR na magsasagawa ng “dry run” ng Boracay reopening sumila October 15 hanggang 25, 2018.

Ayon naman sa DOT, bawal na paninigarilyo at pag-inom ng alak sa white beach.

Pwede ang parties, pero limitado lamang sa hotels o restaurants at hindi sa mismong dagat.

 

Read more...