Walang suicide bombers sa Cebu at Bohol ayon sa PNP Central Visayas
Pinabulaanan ng Police Regional Office sa Central Visayas ang mga kumakalat na mensahe sa social media na mayroong suicide bombers sa Cebu at Bohol para maghasik ng takot.
Ayon kay Supt. Reyman Tolentin, tagapagsalita ng PRO-7, bineripika na ng Regional Intelligence Division ang kumalat na mensahe at napag-alaman nilang “fake news” o hindi totoo ang impormasyon.
Pinayuhan naman ni Councilor Dave Tumulak, deputy mayor on police matters, ang publiko na tigilan ang pagpapakalat ng mga unverified bomb threats para maiwasan ang panic at sa halip ay dapat maging vigilant o mapagmatyag ang mga tao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.