Presyo ng LPG, tataas sa pagsisimula ng “Ber months”

Bad news!

May dagdag-presyo ang kumpanyang Solane sa kanilang liquified petroleum gas o LPG, sa pagsisimula ng Ber months.

Epektibo alas-sais ng umaga bukas (September 1), P1.79 kada kilo ang itataas sa halaga ng LPG ng Solane.

Tinatayang nasa P19.00 ang pagtaas sa bawat 11-kilogram na Solane LPG.

Inaasahan ding mag-aanunsyo ang mga kumpanya ng langis para sa kanilang ipatutupad na price hike sa diesel, gasolina at kerosene.

 

Read more...