Bagong rape joke ni Pang. Duterte, hindi dapat seryosohin ayon sa Malakanyang

Hindi dapat seryosohin ang panibagong “rape joke” ni Pangulong Rodrigo Duterte, na nagsabing ang hometown nito na Davao City ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng panggagahasa dahil maraming magagandang babae sa syudad.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dapat bigyang halaga ang sinabi ng pangulo na idinaan nito sa biro.

Patuloy na umaani ng batikos si Duterte dahil sa latest rape joke nito.

Pero depensa ni Roque, may kaibahan sa sense of humor lalo na sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa Visayas aniya ay hindi gaanong siniseryoso ang naturang bagay, hindi gaya ng mga taga-Luzon na hindi okay sa rape jokes.

Dagdag ni Roque, mature na ang pangulo para malaman kung hanggang saan ito pwedeng magbiro.

 

Read more...