WATCH: 2 batang snatcher, ninakaw ang pera ng isang jeepney driver

By Len Montaño August 31, 2018 - 02:57 PM

 

Dalawang menor de edad na umano’y solvent boys ang nagnakaw ng pera ng isang jeepney driver sa kanto ng Finance Road at Taft Avenue sa Maynila.

Ang buong insidente ay mapapanood sa viral video na inupload ni Denmark Bernardo sa Facebook.

Nasaksihan ni Bernardo ang insidente matapos sabihan siya ng isang pedicab driver na kunan ng video ang mga binatilyo dahil aatake ang mga ito.

Nakasaad sa post na una ay inakala ng uploader na nanghihingi lamang ng pera ang mga kabataan sa mga dumadaang jeep.

Ang pedicab driver aniya na si James Fernandez ang nagsabi na lango sa solvent ang mga suspek at madalas na nag-iisnatch sa lugar.

Bigo umano ang mga otoridad na matanggal ang mga menor de edad sa lugar kahit ilang beses nang inireport ang kanilang pagnanakaw.

Sa posts ni Bernardo ay makikita na sumampa ang dalawang bata sa gilid ng jeep sa bahaging unahan, saka biglang kinuha ang pinaglalagyan ng pera ng drayber.

Sa pagmamadali ay tumapon pa ang mga barya sa kalsada.

Isang binatilyo ang naharang pero nagpumiglas ito at pinakawalan din kalaunan.

Dagdag ni Bernardo sa kanyang post, nais niyang maaresto ang mga kabataan na nagnanakaw sa lugar pero hindi sila dapat makulong kasama ang matatandang preso.

TAGS: facebook, facebook

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.