2 bayan sa Surigao del Norte niyanig ng lindol

By Mary Rose Cabrales August 31, 2018 - 02:39 PM

Niyanig ng lindol ang dalawang bayan ng Surigao del Norte, ngayong araw ng Biyernes (August 31).

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 2.8 na lindol sa bayan ng Surigao City, dakong 12:41 ng tanghali.

Nairekord ang pagyanig sa 9 kilometers North ng Surigao City.

May lalim itong 19 kilometers at tectonic ang origin nito.

Nakapagtala ng instrumental Intensity II sa Surigao City.

Samantala, niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Santa Monica (Sapao) sa lalawigan din ng Surigao Del Norte, 1:47 ng hapon.

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang pagyanig sa 17 kilometers North ng Santa Monica (Sapao). 

May lalim itong 2 kilometers, tectonic din ang origin at wala namang naitalang intensities.

Walang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks ang dalawang pagyanig.

 

TAGS: Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.